Genesis 29:13
Nang marinig ni Laban ang balita tungkol kay Jacob na anak ng kanyang kapatid na babae, siya ay tumakbo para salubungin siya, yakapin, halikan at dalhin sa kanyang bahay. Sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:29Ngayon si Rebeca ay mayroong isang kapatid na lalaki, at ang pangalan niya ay Laban. Tumakbo si Laban papunta sa lalaki na naroon sa labas sa daan sa tabi ng bukal.
Genesis 45:15Hinagkan niya ang lahat ng kanyang mga lalaking kapatid at umiyak sa kanila. Pagkatapos noon nakipag-usap sa kanya ang kanyang mga kapatid na lalaki.
Exodus 18:7Lumabas si Moises para salubungin ang kaniyang biyenan na lalaki, yumuko at hinalikan siya. Nagtanungan sila tungkol sa kapakanan ng isa't-isa at pagkatapos pumasok sila sa tolda.
Luke 7:45Hindi mo ako binigyan ng isang halik, ngunit siya, mula nang ako ay dumating, ay hindi tumigil sa paghalik sa aking mga paa.
Romans 16:16Batiin ninyo ang isa't isa sa pamamagitan ng banal na halik. Lahat ng mga iglesiya ni Cristo ay binabati kayo.