Exodus 18:7
Lumabas si Moises para salubungin ang kaniyang biyenan na lalaki, yumuko at hinalikan siya. Nagtanungan sila tungkol sa kapakanan ng isa't-isa at pagkatapos pumasok sila sa tolda.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:2Tumingala siya at naroon, nakita niya ang tatlong lalaki na nakatayo sa harap niya. Nang makita sila ni Abraham, tumakbo siya mula sa pintuan ng tolda, para salubungin sila at yumukod siya sa lupa.
Genesis 29:13Nang marinig ni Laban ang balita tungkol kay Jacob na anak ng kanyang kapatid na babae, siya ay tumakbo para salubungin siya, yakapin, halikan at dalhin sa kanyang bahay. Sinabi ni Jacob kay Laban ang lahat ng mga bagay na ito.
Genesis 33:3Siya mismo ang nauna sa kanila. Yumukod siya ng pitong beses, hanggang makalapit siya sa kanyang kapatid.
Genesis 45:15Hinagkan niya ang lahat ng kanyang mga lalaking kapatid at umiyak sa kanila. Pagkatapos noon nakipag-usap sa kanya ang kanyang mga kapatid na lalaki.
Numbers 22:36Nang marinig ni Balak na dumating na si Balaam, lumabas siya upang salubungin siya sa isang lungsod ng Moab sa Arnon, na nasa hangganan.
1 Samuel 17:18Dalahin mo din ang sampung kesong ito sa kapitan ng kanilang libo. Tingnan mo kung ano ang kalagayan ng iyong mga kapatid na lalaki at magdala ka pabalik ng ilang patunay na mabuti ang kanilang kalagayan.