Genesis 3:4
Sinabi ng ahas sa babae, “Tiyak na hindi kayo mamamatay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And the serpent said unto the woman, Ye shall not surely die:
In Context
Cross References
Genesis 3:13Sinabi ni Yahweh na Diyos sa babae, “Ano ba itong ginawa mo?” Sinabi ng babae, “Nilinlang ako ng ahas, at kumain ako.”
2 Kings 1:4Dahil dito, ito ang sabi ni Yahweh, “Hindi ka na makakabangon sa higaan kung saan ka bumabangon; sa halip, tiyak kang mamamatay.” Pagkatapos umalis si Elias.
2 Kings 1:16Pagkatapos, sinabi ni Elias kay Ahazias, “Ito ang sinabi ni Yahweh, 'Nagpadala ka ng mga mensahero para sumangguni kay Baal-zebub ang diyos ng Ekron? Dahil ba walang Diyos sa Israel na maaari mong tanungan ng kaalaman? Kaya ngayon, hindi ka na makakabangon sa hingaan kung saan ka bumabangon; sa halip, tiyak kang mamamatay.”
2 Chronicles 18:21Sumagot ang espiritu, 'Lalabas ako at magiging isang sinungaling na espiritu sa bibig ng lahat ng kaniyang mga propeta.' Sumagot si Yahweh, 'Ikaw ang mag-uudyok sa kaniya at magtatagumpay ka. Pumunta ka na ngayon at gawin mo.'
John 8:44Kayo ay mula sa inyong ama na ang diablo, at hinahangad ninyong gawin ang mga kahalayan mula sa inyong ama. Siya ay isang mamamatay tao mula sa simula at hindi nananatili sa katotohanan dahil walang katotohanan sa kaniya. Kapag nagsalita siya ng kasinungalingan, siya ay nagsasalita sa sarili niyang kalikasan dahil siya ay sinungaling at ang ama ng kasinungalingan.
2 Corinthians 11:3Ngunit ako ay natatakot na baka katulad ni Eba, kayo ay malinlang ng ahas sa kaniyang pagiging tuso, at ang inyong kaisipan ay maaring mailayo sa tapat at dalisay na pananalig kay Cristo.