Genesis 35:4
Kaya ibinigay nila kay Jacob ang lahat ng dayuhang mga diyos na nasa kanilang mga kamay at mga hikaw na nasa kanilang mga tainga. Inilibing ni Jacob ang mga ito sa ilalim ng puno ng kakayuhayng malapit sa Sequem.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 32:2Kaya sinabi ni Aaron sa kanila, “Kunin ninyo ang mga gintong hikaw sa mga tainga ng inyong mga asawa at sa mga tainga ng inyong mga anak na lalaki at sa mga anak na babae at dalhin ang mga ito sa akin.
Deuteronomy 7:5Ganito kayo makikipagkasundo sa kanila: Sisirain ninyo ang kanilang mga altar, pagputul-putulin ang kanilang sagradong poste ng pira-piraso, ibagsak ang kanilang mga posteng Asera at sunugin ang kanilang hinulmang mga diyus-diyosan.
Joshua 24:25Gumawa si Josue ng isang tipan sa bayan sa araw na iyon. Inilagay niya sa lugar ang mga kautusan at mga batas sa Sechem.
Judges 8:24Sinabi ni Gideon sa kanila, “Hayaan mo akong gumawa ng isang kahilingan sa inyo: ang bawat isa sa inyo ay magbibigay sa akin ng mga hikaw mula sa kaniyang nakuha sa panloloob.” (Ang mga Midianita ay may mga gintong hikaw dahil sila ay mga Ishmaelita).
Isaiah 2:20Sa araw na iyon, itatapon ng mga tao ang mga diyus-diyosan nila na yari sa pilak at ginto na ginawa nila para sambahin nila —itatapon nila ito sa mga mowl at paniki.
Hosea 2:13Paparusahan ko siya dahil sa mga araw ng pista ng mga Baal, nang nagsunog siya ng insenso sa kanila, nang pinalamutian niya ang kaniyang sarili ng kaniyang mga singsing at alahas, at sinundan niya ang kaniyang mga mangingibig at nilimot ako.” Ito ang pahayag ni Yahweh.