The Bible Software
bible.softwareHoseaHosea 2 › Hosea 2:13

Hosea 2:13

Paparusahan ko siya dahil sa mga araw ng pista ng mga Baal, nang nagsunog siya ng insenso sa kanila, nang pinalamutian niya ang kaniyang sarili ng kaniyang mga singsing at alahas, at sinundan niya ang kaniyang mga mangingibig at nilimot ako.” Ito ang pahayag ni Yahweh.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

And I will visit upon her the days of Baalim, wherein she burned incense to them, and she decked herself with her earrings and her jewels, and she went after her lovers, and forgat me, saith the LORD.

In Context

12Wawasakin ko ang kaniyang mga puno ng ubas at ang kaniyang mga puno ng igos, na sinabi niya, “Ito ang mga kabayarang ibinigay sa akin ng aking mga mangingibig.” Gagawin kong gubat ang mga ito, at kakainin ng mga hayop sa parang ang mga ito.

14Kaya susuyuin ko siya upang manumbalik. Dadalhin ko siya sa ilang at magiliw ko siyang kakausapin.

Read all of Hosea 2

Cross References

Exodus 32:34Kaya ngayon lumakad ka, pangunahan mo ang bayan papunta sa lugar na sinabi ko sa iyo. Tingnan, ang aking anghel ang mangunguna sa inyo. Pero sa araw na parusahan ko sila, paparusahan ko sila dahil sa kanilang pagkakasala.

Deuteronomy 8:11Maging maingat na hindi ninyo makalimutan si Yahweh na inyong Diyos, at para hindi ninyo ipagwalang bahala ang kaniyang mga utos, at kaniyang mga alituntunin, at kanyang mga batas na aking iniutos sa inyo ngayon.

Judges 2:11Ginawa ng bayan ng Israel ang masama sa paningin ni Yahweh at sila'y naglingkod sa mga Baal.

Judges 10:6Dinagdagan ng bayan ng Israel ang kasamaan na kanilang ginawa sa harapan ni Yahweh at sinamba ang mga Baal, ang Astorot, ang mga diyus-diyosan ng Aram, ang mga diyus-diyosan ng Sidon, ang mga diyus-diyosan ng Moab, ang mga diyus-diyosan ng bayan ng Amon at ang mga diyus-diyosan ng mga Filisteo. Pinabayaan nila at hindi na sinamba si Yahweh.

1 Kings 16:31Bale wala lang sa kaniya ang paglakad sa yapak ni Jeroboam na anak ni Nebat, kaya ginawa niyang asawa si Jezebel na anak ni Etbaal, hari ng mga taga-Sidon; pumunta siya at sinamba si Baal at yumukod sa kaniya.

2 Kings 1:2Pagkatapos, nahulog si Ahazias sa balkonahe sa taas ng kaniyang tulugan sa Samaria, at nagkaroon ng malubhang karamdaman. Kaya nagpadala siya ng mga mensahero at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo at tanungin si Baal-zebub, ang diyos ng Ekron, kung gagaling pa ako sa karamdamang ito.”

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Hosea 2:13

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Hosea 2:12Hosea 2Hosea 2:14 →