Genesis 37:35
Ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay pumunta para aliwin siya ngunit tumanggi siyang magpaaliw. Sabi niya, “Talagang bababa ako sa sheol na nagluluksa para sa aking anak.” Nanangis ang kanyang ama para kanya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 35:22Habang nakatira si Israel pa sa lupaing iyon, sumiping si Reuben kay Bilha na ibang asawa kanyang ama, at narinig ito ni Israel. Ngayon si Jacob ay may labindalawang anak na lalaki.
Genesis 42:38Sinabi ni Jacob, “Ang aking anak ay hindi pupunta pababa kasama ninyo. Dahil ang kanyang kapatid na lalaki ay patay na at siya na lamang ang mag-isang naiwan. Kapag may kapahamakang nangyari sa kanya sa daan kung saan kayo pupunta, tuluyan mo nang ibababa ang pagka-abo ng aking buhok kasama ng kalungkutan sa sheol.”
Genesis 44:31kapag ito ay nangyari, na hindi niya makita na kasama namin ang bata siguradong ikamamatay niya ito. At ang iyong alipin ay magiging dahilan ng pagdurusa ng ama ng iyong alipin sa kamatayan.
Genesis 48:11Sinabi ni Israel kay Jose, “Hindi ko kailanman inasahang makikitang muli ang iyong mukha, pero ipinahintulot pa ng Diyos na makita ko ang iyong mga anak.”
2 Samuel 19:1Sinabihan si Joab, “Tingnan mo, humagulgol ang hari at nagluksa para kay Absalom.”
Job 2:11Ngayon naman, nabalitaan ng tatlong kaibigan ni Job ang lahat ng masamang nangyari sa kaniya, nilisan nila ang kani-kanilang lugar para puntahan si Job: Si Eliphaz na Temaneo, Bildad na Shuhita, at Zophar na Naamita. Naglaan sila ng panahon para makidalamhati sa kaniya at aliwin siya.