Genesis 44:31
kapag ito ay nangyari, na hindi niya makita na kasama namin ang bata siguradong ikamamatay niya ito. At ang iyong alipin ay magiging dahilan ng pagdurusa ng ama ng iyong alipin sa kamatayan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 37:35Ang lahat ng kanyang mga anak na lalaki at babae ay pumunta para aliwin siya ngunit tumanggi siyang magpaaliw. Sabi niya, “Talagang bababa ako sa sheol na nagluluksa para sa aking anak.” Nanangis ang kanyang ama para kanya.
1 Samuel 4:17Sumagot at nagsabi ang lalaking nagdala ng balita, “Tumakas ang Israel mula sa mga Filisteo. Mayroon ding isang malaking pagkatalo sa mga tao. Ang iyong dalawang anak na lalaki, na sina Hofni at Finehas ay patay na, at nakuha ang kaban ng Diyos.”
2 Corinthians 7:10Sapagkat ang kalungkutan mula sa Diyos ay nagdudulot ng pagsisisi na kumukumpleto sa kaligtasan ng walang panghihinayang. Gayon man, ang kalungkutan sa mundo ay nagdadala ng kamatayan.