Genesis 38:2
Nakilala niya si Sua na anak ng Cananeo na lalaki na ang pangalan ay Sua. Pinakasalan niya at sinipingan niya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
3Siya ay nabuntis at nagkaroon ng anak na lalaki. Siya ay pinangalanan Er.
Cross References
Genesis 3:6At nang nakita ng babae na ang puno ay mabuti para sa pagkain at kaaya-aya sa paningin, at ang puno ay kanais-nais para gawing matalino ang isang tao, kumuha siya ng bunga nito at kinain ito. At binigyan niya ang kanyang asawa na kasama niya, at kinain niya ito.
Genesis 6:4Nasa mundo ang mga higante noong mga araw na iyon, at ganun din pagkatapos. Ito ay nangyari nang pinakasalan ng mga anak na lalaki ng Diyos ang mga anak na babae ng tao, at nagkaroon sila ng mga anak sa kanila. Ito ang mga malalakas na tao noong unang panahon, at mga lalaking kilala.
Genesis 28:1Tinawag ni Isaac si Jacob, pinagpala siya at inutusan, “Hindi ka dapat kumuha ng asawa mula sa kababaihang taga-Cananeo.
Genesis 46:12mga anak na lalaki ni Juda: sina Er, Onan, Sela, Fares at Zara, (pero namatay si Er at Onan sa lupain ng Canaan. At ang mga anak na lalaki ni Fares, sina Hezron at Hamul);
Judges 16:1Pumunta si Samson sa Gaza at nakita siya doon ng isang babaeng bayaran at sumama siya kasama ng babae sa kama.
1 Chronicles 2:3Ang mga lalaking anak ni Juda ay sina Er, Onan, at Sela, na mga anak niya sa babaeng anak ni Bat-sua, na isang Canaanita. Si Er na panganay na anak ni Juda ay masama sa paningin ni Yahweh, at pinatay siya ni Yahweh.