Genesis 38:25
Nang siya ay dinala palabas, nagpadala siya ng mensahe para sa kanyang biyenan na lalaki, “Dahil sa lalaking nagmamay-ari nito nabuntis ako.” Sabi niya, “Pakiusap alamin ninyo kung kaninong selyo, mga kordon at tungkod ito.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 38:18Sinabi niya, “Anong sangla ang maaari kong ibigay sa iyo?” At sinabi niya, “Ang inyong selyo at kordon, at ang tungkod na nasa iyong kamay.” Ibinigay ito sa kanya at sinipingan siya. Siya ay nabuntis sa pamamagitan niya.
Jeremiah 2:26Katulad ng kahihiyan ng isang magnanakaw kapag siya ay nahuli, gayon din ang kahihiyan ng sambahayan ng Israel. Sila, ang kanilang mga hari, mga prinsipe, mga pari, at mga propeta!
1 Corinthians 4:5Kaya, huwag kayong humatol tungkol sa anumang bagay bago ang panahon, bago dumating ang Panginoon. Dadalhin niya sa liwanag ang mga lihim na bagay ng kadiliman at ihahayag ang mga layunin ng puso. At makatatanggap ang bawat isa ng kaniyang papuri mula sa Diyos.