Genesis 4:15
Sinabi ni Yahweh sa kanya, “Kung sinuman ang papatay kay Cain, makapitong beses siyang gagantihan.” Kaya nilagyan ni Yahweh ng palatandaan si Cain upang sinumang makasumpong sa kanya, hindi siya lulusubin ng taong iyon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
16Kaya umalis si Cain mula sa presensya ni Yahweh at nanirahan sa lupain ng Nod, sa silangan ng Eden.
Cross References
Leviticus 26:18Kung hindi kayo makikinig sa aking mga utos, ay paparusahan ko kayo ng pitong beses ang tindi para sa inyong mga kasalanan.
Leviticus 26:24Pagkatapos lalakad din ako laban sa inyo. Ako mismo ang magpapatama sa inyo ng pitong beses na palo para sa inyong mga kasalanan.
1 Kings 16:7Kaya dumating ang mensahe ni Yahweh laban kay Baasa at sa buo niyang pamilya sa pamamagitan ni propetang Jehu na anak ni Hanani dahil sa mga masasamang bagay na ginawa ni Baasa sa paningin ni Yahweh, na nagpagalit sa kaniya sa pamamagitan ng kaniyang mga ginawa na tulad ng pamilya ni Jeroboam, at dahil sa pagpatay niya sa buong pamilya ni Jeroboam.
Psalms 79:12Pagbayarin mo sa mga kandungan ng aming mga karatig- bansa ng pitong beses ang mga pang-iinsulto sa iyo, Panginoon.
Ezekiel 9:4Sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Dumaan ka sa kalagitnaan ng lungsod, ang kalagitnaan ng Jerusalem, at gumawa ng isang palatandaan sa mga noo ng mga lalaking naghihinagpis at nagbubuntong-hininga tungkol sa lahat ng mga kasuklam-suklam na naganap sa kalagitnaan ng lungsod.”
Hosea 1:4Sinabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siya sa pangalang Jezreel. Sapagkat hindi magtatagal, paparusahan ko ang sambahayan ni Jehu dahil sa pagdanak ng dugo sa Jezreel at wawakasan ko ang kaharian ng sambahayan ni Israel.