The Bible Software
bible.softwareGenesisGenesis 4 › Genesis 4:14

Genesis 4:14

Sa katunayan, itinaboy mo ako sa araw na ito mula sa lupang ito, at ako ay itatago mula sa iyong mukha. Magiging palaboy ako at pagala-gala sa mundo, at kung sinuman ang makasusumpong sa akin ay papatayin ako.”

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Behold, thou hast driven me out this day from the face of the earth; and from thy face shall I be hid; and I shall be a fugitive and a vagabond in the earth; and it shall come to pass, that every one that findeth me shall slay me.

In Context

13Sinabi ni Cain kay Yahweh, “Ang parusa ko ay higit kaysa sa aking makakaya.

15Sinabi ni Yahweh sa kanya, “Kung sinuman ang papatay kay Cain, makapitong beses siyang gagantihan.” Kaya nilagyan ni Yahweh ng palatandaan si Cain upang sinumang makasumpong sa kanya, hindi siya lulusubin ng taong iyon.

Read all of Genesis 4

Cross References

Genesis 9:5Subalit para sa iyong dugo, ang buhay na nasa iyong dugo, hihingin ko ang kabayaran. Mula sa kamay ng bawat hayop hihingin ko ito. Mula sa kamay ng sinumang tao, iyon ay, mula sa kamay na pumatay ng kanyang kapatid, aking hihingin ang pagsusulit sa buhay ng taong ito.

Leviticus 26:36At para doon sa mga natira sa inyo sa mga lupain ng mga kaaway, magpapadala ako ng takot sa inyong mga puso na kahit pa na sa tunog ng isang dahon na hinihipan sa hangin, magugulantang kayo at tatakas kayo na parang tinatakasan ninyo ang espada. Babagsak kayo kahit na wala namang humahabol sa inyo.

Numbers 35:19Ang kadugong tagapaghiganti ay maaari niyang patayin ang isang mamamatay-tao. Kapag makatagpo siya, maaari niyang patayin.

Numbers 35:27at kung makita siya ng kadugong tagapaghiganti sa labas ng hangganan ng kaniyang lungsod ng kublihan, at kung mapatay niya ang akusadong tao, ang kadugong tagapaghiganti ay hindi magkakasala ng pagpatay.

2 Samuel 14:7At ngayon nag-alsa laban sa iyong lingkod ang buong angkan at sinabi nila, “Isuko ang lalaking pumalo sa kaniyang kapatid, para mapatay namin siya, para bayaran ang buhay ng kaniyang kapatid na kaniyang pinatay.' At kaya sisirain din nila ang tagapagmana. Samakatwid papawiin nila ang nagliliyab na uling na natitira sa akin at walang iiwan para sa aking asawa maging pangalan ni kaapu-apuhan sa ibabaw ng mundo.”

Job 21:14Sinasabi nila sa Diyos, 'Lumayo ka sa amin dahil wala kaming nais na malaman sa pamamaraan mo.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)Kinh Thánh (Tiếng Việt)

Study Genesis 4:14

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeJohn WesleyJohn CalvinKeil and DelitzschScofieldFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Genesis 4:13Genesis 4Genesis 4:15 →