Genesis 40:5
Pareho silang nanaginip ng isang panaginip—ang tagahawak ng saro at ang panadero ng hari ng Ehipto na nakakulong sa bilangguan—bawat isa ay may sariling panaginip sa parehong gabi, at bawat panaginip ay mayroong sariling paliwanag.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Kinaumagahan, dumating si Jose sa kanila at sila ay nakita niya. Masdan, sila ay malungkot.
Cross References
Genesis 20:3Pero kinagabihan, pumunta ang Diyos kay Abimelech sa kanyang panaginip at sinabi sa kanya, “Masdan mo, ikaw ay mamamatay dahil sa babae na kinuha mo dahil siya ay asawa ng lalaki.”
Genesis 40:8Sinabi nila sa kanya, “Pareho kaming nanaginip ng isang panaginip at wala ni isa ang makapagpaliwanag nito.” Sinabi ni Jose sa kanila, “Hindi ba ang mga pagpapaliwanag ay nabibilang sa Diyos? Pakiusap, sabihin niyo sa akin.”
Genesis 41:5Natulog siya at nanaginip sa pangalawang pagkakataon. Masdan, pitong uhay ng butil ang tumubo sa isang tangkay, malulusog at mabubuti.
Numbers 12:6Sinabi ni Yahweh, “Ngayon makinig kayo sa aking mga salita. Kapag kasama ninyo ang aking propeta, inihahayag ko ang aking sarili sa kaniya sa mga pangitain at nagsasalita ako sa kaniya sa mga panaginip.
Esther 6:1Nang gabing iyon hindi makatulog ang hari. Inutusan niya ang kanyang mga lingkod na dalhin ang mga talaan ng mga pangyayari sa kanyang paghahari, at ito ay basahin nang malakas sa harap ng hari.
Daniel 2:1Sa ikalawang taon ng paghahari ni Nebucadnezar, nagkaroon siya ng mga panaginip. Naguluhan ang kaniyang isip, at hindi siya makatulog.