Genesis 41:30
Pitong taon ng taggutom ay darating pagkatapos nila at lahat ng kasaganahan ay makakalimutan sa lupain ng Ehipto at ang taggutom ay wawasak sa lupain.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
29Tingnan mo, pitong taon ng dakilang kasaganahan ang darating sa buong lupain ng Ehipto.
Cross References
Genesis 41:27At ang pitong payat at hindi kanais-nais na mga baka na umahon kasunod nila ay pitong taon, at saka ang pitong payat na uhay na nilanta ng silangang hangin ay magiging pitong taon ng taggutom.
Genesis 41:54Ang pitong taon ng taggutom ay nagsimula, ayon sa nasabi ni Jose. Mayroong taggutom sa lahat ng mga lupain, pero sa lahat ng lupain ng Ehipto ay mayroong pagkain.
Genesis 47:13Ngayon wala ng pagkain sa lahat ng lupain; dahil malubha na ang taggutom. Ang lupain ng Ehipto at ang lupain ng Canaan ay nakatiwangwang dahil sa taggutom.
1 Kings 17:1Sinabihan ni Elias na taga-Tisbe sa Galaad si Ahab, “Habang si Yahweh, na Diyos ng Israel na aking kinakatawan, ay totoong buhay, hindi magkakaroon ng hamog o kaya ulan sa mga susunod na taon hanggang hindi ko sinasabi.”
Psalms 105:16Nagdala siya ng taggutom sa lupa; pinutol niya ang lahat ng pinagkukunan ng tinapay.
Isaiah 65:16Sinumang nasa lupa ang magpahayag ng isang pagpapala ay pagpapalain ko, ang Diyos ng katotohanan. Sinumang nasa lupa ang mangako ay nangangako sa akin, ang Diyos ng katotohanan, dahil malilimutan na ang nakaraang kaguluhan, dahil ang mga ito ay matatago na sa aking paningin.