Isaiah 65:16
Sinumang nasa lupa ang magpahayag ng isang pagpapala ay pagpapalain ko, ang Diyos ng katotohanan. Sinumang nasa lupa ang mangako ay nangangako sa akin, ang Diyos ng katotohanan, dahil malilimutan na ang nakaraang kaguluhan, dahil ang mga ito ay matatago na sa aking paningin.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 10:20Katatakutan ninyo si Yahweh na inyong Diyos; siya ang inyong sasambahin. Kailangan ninyong kumapit sa kaniya, at mangangako kayo sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.
Job 11:16Makakalimutan mo ang iyong paghihirap; maaalala mo lamang ito gaya ng tubig na umagos palayo.
Psalms 63:11Pero magagalak ang hari sa Diyos; ang lahat ng nanunumpa sa kaniya ay ipagmamalaki siya, pero ang bibig ng mga nagsasalita ng kasinungalingan ay mahihinto.
Psalms 86:15Pero kayo, Panginoon, ay maawain at mabait na Diyos, matagal magalit, at sagana sa pagiging tapat at mapagkakatiwalaan sa tipan.
Isaiah 19:18Sa panahon na iyon, magkakaroon ng limang mga lungsod sa lupain ng Ehipto na nagsasalita ng wika sa Cana at manunumpa ng katapatan kay Yahweh ng mga hukbo. Ang isa sa mga lungsod na iyon ay tatawaging Ang Lungsod ng Araw.
Isaiah 45:23Ako ay sumusumpa sa aking sarili, sinasabi ang aking makatarungang atas, at hindi ito babalik: Sa akin ang bawat tuhod ay luluhod, bawat dila ay susumpa,