Genesis 41:32
Ang panaginip ay inulit kay Paraon sa kadahilanang ang mga bagay ay itinatag na ng Diyos at hindi magtatagal ay gagawin ito ng Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 37:9Nanaginip siya ulit ng panaginip at sinabi niya ito sa kanyang mga kapatid. Sinabi niya, “Tingnan ninyo, nanaginip ako ng ibang panaginip: Ang araw at ang buwan at labing-isang bituin ay yumuko pababa sa akin.”
Job 33:14Minsan nang nagsalita ang Diyos - oo, dalawang beses, bagama't hindi ito napapansin ng tao.
Isaiah 30:33Dahil may isang lugar ng pagsusunugan ang matagal nang inihanda. Tunay nga, ito ay inihanda para sa hari, at ginawa ito ng Diyos na malalim at malawak. Handa na ang salansanan na may apoy at maraming kahoy. Sisindihan ito ng hininga ni Yahweh, na tulad ng isang batis ng asupre.
Matthew 24:35Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang mga salita ko ay hindi kailanman lilipas.
Matthew 25:41At sasabihin niya sa mga nasa kaniyang kaliwa, 'Lumisan kayo sa akin, kayong sinumpa, sa apoy na walang hanggan na inihanda para sa diyablo at sa kaniyang mga anghel,
1 Corinthians 2:9Ngunit gaya ng nasusulat, “Mga bagay na hindi nakita ng mata, na hindi narinig ng tainga, na hindi sumagi sa isipan, ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa mga umiibig sa kaniya.”