Genesis 41:40
Mangingibabaw ka sa aking bahay at ayon sa salita mo pamamahalaan ang lahat ng tauhan ko. Tanging sa trono lamang ako ay magiging higit na mataas kaysa sa iyo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
41Sinabi ni Paraon kay Jose, “Tingnan mo, inilagay kita sa itaas ng buong lupain ng Ehipto.”
Cross References
Genesis 45:8Kaya ngayon, hindi kayo ang nagpadala sa akin dito kung hindi ang Diyos, at ginawa niya akong ama ng Paraon, amo ng lahat ng kanyang tahanan, at pinuno ng lahat ng lupain sa Ehipto.
1 Samuel 10:1Pagkatapos kumuha si Samuel ng isang bote ng langis at ibinuhos ito sa ulo ni Saul, at hinalikan siya. Sinabi niya, “Hindi ba pinahiran ka ng langis ni Yahweh para maging tagapamahala ng kanyang pamana?
Esther 10:3Si Mordecai na Judio ay pangalawa sa antas kay Haring Ahasueros. Siya ay dakila sa gitna ng mga Judio at tanyag sa kanyang maraming kapatid na Judio, sapagkat hinahangad niya ang kapakanan ng kanyang lahi, at siya ay nagsalita para sa kapayapaan ng lahat ng kanyang lahi.
Psalms 2:12Ibigay ang totoong katapatan sa kaniyang anak para hindi siya magalit sa inyo, at para hindi kayo mamatay kapag mabilis na sumiklab ang kaniyang galit. Mapalad ang lahat ng kumukubli sa kaniya.
Proverbs 22:29Nakikita mo ba ang isang bihasang lalaki sa kaniyang gawain? Siya ay tatayo sa harapan ng mga hari; hindi siya tatayo sa harapan ng pangkaraniwang mga tao.
Daniel 5:29Pagkatapos nito, nagbigay ng utos si Belsazar na damitan ng kulay ube si Daniel. Isang kuwintas na ginto ang isinuot sa kaniyang leeg at nagpahayag ang hari tungkol sa kaniya na siya ay magkakaroon ng kapangyarihan sa ikatlong pinakamataas na pinuno sa kaharian.