Genesis 41:55
Nang ang buong lupain ng Ehipto ay gutom na gutom na, tumawag ng malakas ang mga tao kay Paraon para sa pagkain. Sinabi ni Paraon sa lahat ng mga taga Ehipto, “Pumunta kayo kay Jose at gawin ang anumang sabihin niya.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 41:40Mangingibabaw ka sa aking bahay at ayon sa salita mo pamamahalaan ang lahat ng tauhan ko. Tanging sa trono lamang ako ay magiging higit na mataas kaysa sa iyo.
2 Kings 6:26Habang dumadaan ang hari ng Israel sa may pader, isang babae ang umiyak sa kaniya, sinasabing, “Tulungan mo ako, panginoong hari.”
Jeremiah 14:1Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias tungkol sa tagtuyot,
Matthew 3:17Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya.”
John 1:14Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.
Colossians 1:19Sapagkat ang Diyos ay nalugod na ang kaniyang kaganapan ay nararapat na mamuhay sa kaniya,