Genesis 43:23
Sinabi ng katiwala, “Ang kapayapaan ay sumainyo, huwag kayong matakot. Ang inyong Diyos at ang Diyos ng inyong ama ang maaaring naglagay ng pera sa inyong mga sako. Natanggap ang iyong pera.” Inilabas naman ng katiwala si Simeon sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 42:28Sinabi niya sa kanyang mga lalaking kapatid, “Ang aking salapi ay naibalik sa akin. Tingnan ninyo itong nasa aking sako.” At ang kanilang mga puso ay nangabagabag at ang lahat ay nanginig. Sinabi nila, “Ano itong ginawa sa atin ng Diyos?”
Genesis 43:14Nawa'y kaawaan kayo ng Makapangyarihang Diyos sa harap ng taong iyon, upang palayain niya sa inyo ang iba niyong mga kapatid at si Benjamin. Kung ako'y nagdadalamhati sa aking mga anak, ako'y nagdadalamhati.
Judges 19:20Binati sila ng matandang lalaki, “Sumainyo ang kapayapaan! Ako ang bahala sa lahat ng inyong mga pangangailangan. Huwag lamang magpalipas ng gabi sa plasa.”
1 Chronicles 12:18Pagkatapos, ang Espiritu ay dumating kay Amasai na pinuno ng tatlumpu. Sinabi niya, “Kami ay sa iyo, David. Kami ay nasa iyong panig, anak ni Jesse. Kapayapaan, magkaroon nawa ng kapayapaan sa sinumang tutulong sa iyo. Kapayapaan sa mga tumutulong sa iyo, sapagkat tinutulungan ka ng Diyos.” Pagkatapos, tinanggap sila ni David at ginawa silang mga pinuno sa kaniyang mga tauhan.
Ezra 4:17Kaya ang hari ay nagpadala ng tugon kay Rehum at Simsai at sa kanilang mga kasamahan sa Samaria at ang iba pa sa ibayo ng Ilog: “Sumainyo nawa ang kapayapaan.
Luke 24:36Habang pinag-uusapan nila ang mga bagay na ito, tumayo si Jesus mismo sa kalagitnaan nila, at sinabi niya sa kanila, “Kapayapaan ay sumainyo.”