Genesis 44:16
Sinabi ni Juda, “Ano ang maari naming sabihin sa inyo aming amo? O kaya, paano namin maipagtatanggol ang aming sarili? Nalaman ng Diyos ang kasalanan ng iyong mga lingkod. Tingnan ninyo, kami ay alipin na ng aming amo, kami at siyang nahanapan ng baso.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 37:7Masdan ninyo, itinatali natin ang mga bigkis ng mga butil sa bukid at masdan ninyo, tumayo ang aking bigkis at tumuwid, at masdan ninyo, pumalibot ang inyong mga bigkis at yumuko sa aking bigkis.
Genesis 37:18Nakita nila si Jose mula sa di kalayuan, at bago siya makalapit sa kanila, nakapagplano na sila laban sa kanya para patayin siya.
Genesis 43:8Sinabi ni Judah sa kanyang ama, “Ipadala mo ang batang lalaki sa amin. Tatayo kami at aalis upang mabuhay kami at hindi mamatay, kapwa kami, ikaw, at ang aming mga anak.
Genesis 44:32Sapagkat ang iyong alipin ang katiyakan sa bata para sa aking ama at sinabi kong, 'Kung hindi ko madadala ang bata sa iyo, papasanin ko ang kasalanan magpakailanman sa aking ama.
Deuteronomy 25:1Kung may pagtatalo sa pagitan ng mga tao at pumunta sila sa hukuman, at hinatulan sila ng mga hukom, sa gayon ay pawawalang sala nila ang matuwid at parurusahan ang masama.
Joshua 7:18Inilapit niya ang kaniyang sambahayan, tao sa tao, at si Achan na anak na lalaki ni Carmi na anak na lalaki ni Zabdi na anak na lalaki ni Zerah, ang napili mula sa lipi ni Juda.