Genesis 47:31
Sinabi ni Israel, “Mangako ka sa akin,” at si Jose ay nangako sa kanya. Pagkatapos yumuko si Israel sa ulunan ng kanyang higaan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
And he said, Swear unto me. And he sware unto him. And Israel bowed himself upon the bed’s head.
In Context
Cross References
Genesis 21:23Kaya ngayon manumpa ka sa Diyos, na hindi mo ako gagawan ng masama, ni ang aking mga anak, ni ang aking mga kaapu-apuhan. Ipakita mo sa akin at sa lupain kung saan ka naninirahan ang parehong katapatan sa kasunduan na ipinakita ko sa iyo.”
Genesis 24:3at pasusumpain kita kay Yahweh, ang Diyos ng langit at ang Diyos ng lupa, na hindi ka kukuha ng asawa para sa aking anak na lalaki mula sa mga anak na babae ng mga Cananeo, kung saan ako nanahan.
Genesis 47:29Nang malapit na ang oras ng kamatayan ni Israel, tinawag niya ang kanyang anak na si Jose at sinabihan siyang, “Kung ngayon ako ay kalugod-lugod sa iyong paningin, ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita, at pakitaan mo ako ng katapatan at pagiging mapagkakatiwalaan. Pakiusap huwag mo akong ilibing sa Ehipto.”
Genesis 50:5'Pinanumpa ako sa aking ama, sinabing, “Tingnan mo, malapit na akong mamatay, Ilibing mo ako sa aking libingan na hinukay ko doon sa lupain ng Canaan. Doon mo ako ilibing.” Ngayon hayaan ninyo akong umakyat at ilibing ang aking ama, at pagkatapos ay babalik din ako.”
Hebrews 11:21Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Jacob, nang siya ay mamamatay na, pinagpala niya ang bawat isa sa mga anak ni Jose. Si Jacob ay sumamba na nakahilig sa taas ng kaniyang tungkod.