Genesis 50:5
'Pinanumpa ako sa aking ama, sinabing, “Tingnan mo, malapit na akong mamatay, Ilibing mo ako sa aking libingan na hinukay ko doon sa lupain ng Canaan. Doon mo ako ilibing.” Ngayon hayaan ninyo akong umakyat at ilibing ang aking ama, at pagkatapos ay babalik din ako.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
6Sumagot ang Paraon, “Lumakad ka at ilibing ang iyong ama, tulad ng ipinanumpa niya sa iyo.”
Cross References
Genesis 3:19Kakain ka ng tinapay sa pamamagitan ng pawis ng iyong mukha, hanggang ikaw ay bumalik sa lupa, dahil kinuha ka mula rito. Dahil ikaw ay alikabok, at sa alikabok ka rin babalik.”
Genesis 47:31Sinabi ni Israel, “Mangako ka sa akin,” at si Jose ay nangako sa kanya. Pagkatapos yumuko si Israel sa ulunan ng kanyang higaan.
Genesis 49:29Tinuruan niya sila at sinabihang, “Ako nga ay pupunta na sa aking mga tao. Ilibing ninyo ako kasama ng aking mga ninuno sa kuweba na nasa bukid ni Efron ang Heteo,
Deuteronomy 4:22Sa halip, dapat akong mamatay sa lupaing ito; Hindi dapat ako pumunta sa ibayo ng Jordan; pero kayo ay makakapunta at maaangkin ang masaganang lupaing iyon.
2 Chronicles 16:14Inilibing nila siya sa kaniyang sariling libingan, na ipinahukay niya sa lungsod ni David para sa kaniyang. Inilagay siya sa kabaong na puno ng mababangong amoy at iba't ibang uri ng pabango na inihanda ng mga taong mahusay gumawa ng pabango. Pagkatapos, gumawa sila ng napakalaking apoy bilang parangal sa kaniya.
Psalms 79:3Ibinuhos nila ang kanilang dugo na parang tubig sa paligid ng Jerusalem, at walang naglilibing sa kanila.