Genesis 48:21
Sinabi ni Israel kay Jose, “Tingnan mo, malapit na akong mamatay, pero kasama ninyo ang Diyos, at dadalhin kayo pabalik sa lupain ng inyong mga ama.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 15:14Hahatulan ko ang bansang iyon na paglilingkuran nila, at pagkatapos sila ay lalabas na may saganang mga ari-arian.
Genesis 26:3Manatili ka sa lugar na ito, at ako ay sumasainyo at pagpapalain ko kayo; para sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan, ibibigay ko ang lahat ng mga lupaing ito, at tutuparin ko ang panunumpa na aking sinumpaan kay Abraham na iyong ama.
Genesis 37:1Nanirahan si Jacob sa lupain kung saan naroon ang kanyang ama, sa lupain ng Canaan.
Genesis 47:29Nang malapit na ang oras ng kamatayan ni Israel, tinawag niya ang kanyang anak na si Jose at sinabihan siyang, “Kung ngayon ako ay kalugod-lugod sa iyong paningin, ilagay mo ang iyong kamay sa ilalim ng aking hita, at pakitaan mo ako ng katapatan at pagiging mapagkakatiwalaan. Pakiusap huwag mo akong ilibing sa Ehipto.”
Genesis 50:24Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid, “Malapit na akong mamatay; pero tiyak na pupuntahan kayo ng Diyos at pangungunahan kayo palabas ng lupaing ito papunta sa lupain na kanyang ipinangakong ibibigay kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.”
Deuteronomy 31:8Si Yahweh, ang siyang mangunguna sa inyong harapan; sasama siya sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni iiwan; huwag matakot, huwag mapanghinaan ng loob.”