Genesis 48:20
Binasbasan sila ni Israel sa araw na iyon sa mga salitang ito, “Ang mga mamamayan sa Israel ay magpapahayag ng pagpapala sa pamamagitan ng inyong mga pangalan na nagsasabing, 'Nawa gawin ng Diyos na maging tulad ni Efraim at Manasses'.” Sa ganitong paraan, inuna ni Israel si Efraim bago si Manasses.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 24:60Pinagpala nila si Rebeca, at sinabi sa kanya, “Aming kapatid, nawa maging ina ka ng mga libu-libo ng sampung libo, at nawa ang iyong mga kaapu-apuhan ay angkinin ang tarangkahan ng mga galit sa kanila.”
Numbers 2:18Dapat magkampo ang hukbo ng Efraim sa dakong kanluran ng tolda ng pagpupulong. Si Elishama na anak ni Ammiud ang dapat mamuno sa hukbo ng Efraim.
Numbers 7:54Sa ikawalong araw, nag-alay ng kaniyang handog si Gamaliel na anak ni Pedasur, pinuno ng mga kaapu-apuhan ni Manases.
Numbers 13:8Mula sa tribu ni Efraim, si Hosea na lalaking anak ni Nun.
Numbers 13:16Ito ang mga pangalan ng mga lalaking ipinadala ni Moises upang suriin ang lupain. Tinawag ni Moises si Hosea na lalaking anak ni Nun sa pangalang Josue.
Ruth 4:11Sinabi ng lahat ng mga tao na nasa tarangkahan at mga nakatatanda, “Kami ang mga saksi. Gawin nawa ni Yahweh ang babae na pumasok sa iyong bahay tulad nina Raquel at Lea, ang dalawa na nagtayo ng bahay sa Israel. Magtagumpay ka nawa sa Efrata at maging kilala sa Betlehem.