Genesis 49:25
Dahil ang Diyos ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo, at dahil sa makapangyarihang Diyos na siyang magbabasbas sa iyo ng pagpapala sa kalangitan, mga pagpapala sa kailaliman na nasa ibaba, mga pagpapala sa mga dibdib at sinapupunan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 17:1Nang siyamnapu't-siyam na taong gulang na si Abram, nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabing, “Ako ang Diyos na makapangyarihan. Lumakad ka sa akin at mamuhay ka nang matuwid.
Genesis 28:13Masdan, si Yahweh ay nakatayo sa ibabaw niyon at nagsabi, “Ako si Yahweh, ang Diyos ni Abraham na iyong ama, at ang Diyos ni Isaac. Ang lupang hinihigaan mo, ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan.
Genesis 35:3Pagkatapos umalis tayo at pumunta sa Betel. Magtatayo ako ng altar doon sa Diyos, na sumagot sa akin sa araw ng aking paghihinagpis, at naging kasama ko saan man ako pumaroon.”
Genesis 43:23Sinabi ng katiwala, “Ang kapayapaan ay sumainyo, huwag kayong matakot. Ang inyong Diyos at ang Diyos ng inyong ama ang maaaring naglagay ng pera sa inyong mga sako. Natanggap ang iyong pera.” Inilabas naman ng katiwala si Simeon sa kanila.
Deuteronomy 28:2Lahat ng mga biyayang ito ay dadating sa inyo at aabutan kayo, kung makinig kayo sa boses ni Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 33:13Tungkol kay Jose, sinabi ni Moises: Nawa'y pagpalain ni Yahweh ang kaniyang lupain at ng kaniyang mahahalagang mga bagay sa langit, kasama ang hamog, At ng nakapaloob sa ilalim nito.