Genesis 50:21
Kaya ngayon huwag kayong matakot. Paglalaanan ko kayo at ang inyong mga anak.” Inaliw niya sila sa paraang ito at nakipag-usap ng may kagandahang-loob sa kanila.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 34:3Naakit siya kay Dina, na anak ni Jacob. Minahal niya ang dalaga at magiliw na kinausap siya.
Genesis 45:10Maninirahan ka sa lupain ng Gosen at nang ikaw ay mapalapit sa akin, ikaw at ang iyong mga anak at ang mga anak ng iyong mga anak, at ang iyong mga hayop at ang iyong mga baka, at ang lahat ng nasa iyo.
Genesis 47:12Binigyan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama, mga kapatid, at lahat ng sambahayan ng kanyang ama, ayon sa bilang ng kanilang kasama sa bahay.
Isaiah 40:2“Kausapin mo nang may pagmamahal ang Jerusalem; at ihayag sa kaniya na ang kaniyang pakikipagdigmaan ay tapos na, pinatawad na ang kaniyang mabigat na pagkakasala, na doble ang kaniyang natanggap na mula sa kamay ni Yahweh dahil sa lahat ng kaniyang mga kasalanan.”
Matthew 6:14Sapagkat kung patatawarin ninyo ang pagkakasala ng mga tao, patatawarin din kayo ng Ama na nasa langit.
1 Thessalonians 5:15Siguraduhin ninyo na walang sinuman ang gaganti ng masama para sa masama sa sino man. Sa halip, pagsikapang matamo ang makakabuti sa bawat isa at para sa lahat.