Genesis 34:3
Naakit siya kay Dina, na anak ni Jacob. Minahal niya ang dalaga at magiliw na kinausap siya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 50:21Kaya ngayon huwag kayong matakot. Paglalaanan ko kayo at ang inyong mga anak.” Inaliw niya sila sa paraang ito at nakipag-usap ng may kagandahang-loob sa kanila.
Ruth 1:14Pagkatapos ang kaniyang mga manugang ay nagtaas ng kanilang mga boses at muling umiyak. Hinalikan ni Orpah ang kaniyang biyenan nang may pamamaalam, pero si Ruth ay nanatili sa kaniya.
2 Samuel 19:7Kaya ngayon tumayo ka at lumabas, magsalita ng mabuti sa iyong mga sundalo, dahil ipinapangako ko kay Yahweh, kapag hindi ka pumunta, wala ni isang taong mananatili sa iyo mamayang gabi. Iyon ay magiging masama para sa iyo kaysa sa lahat ng kapahamakang nangyari sa iyo mula ng iyong kabataan hanggang ngayon.”
Isaiah 40:2“Kausapin mo nang may pagmamahal ang Jerusalem; at ihayag sa kaniya na ang kaniyang pakikipagdigmaan ay tapos na, pinatawad na ang kaniyang mabigat na pagkakasala, na doble ang kaniyang natanggap na mula sa kamay ni Yahweh dahil sa lahat ng kaniyang mga kasalanan.”
Hosea 2:16“Mangyayari ito sa araw na iyon”—ito ang pahayag ni Yahweh—”na tatawagin mo akong, 'Aking asawa,' at hindi mo na ako tatawagin pang, 'Aking Baal.'