Genesis 6:17
Makinig ka, malapit ko nang ipadala ang baha ng mga tubig sa mundo, upang lipulin ang lahat ng laman na may hininga ng buhay dito mula sa silong ng langit. Lahat ng bagay na nasa mundo ay mamamatay.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 6:7Kaya sinabi ni Yahweh, “Lilipulin ko ang sangkatauhang nilikha ko mula sa ibabaw ng mundo; kapwa ang sangkatauhan at ang higit na malalaking mga hayop, at gumagapang na mga bagay sa lupa at mga ibon sa kalangitan, dahil pinagsisihan kong ginawa ko sila.”
Genesis 7:4Pagkalipas ng pitong araw idudulot kong umulan sa mundo sa loob ng apatnapung araw at apatnapung gabi. Lilipulin ko mula sa ibabaw ng lupa ang bawat buhay na nilalang na aking ginawa.”
Genesis 7:17Pagkatapos dumating ang baha sa mundo sa loob ng apatnapung araw, at tumaas ang tubig at binuhat ang arka. Umangat ito mula sa mundo.
Genesis 7:23Kaya bawat buhay na bagay na nasa ibabaw ng mundo ay nalipol, mula sa sangkatauhan hanggang sa malalaking mga hayop, mga gumagapang na mga bagay, at mga ibon sa himpapawid. Nawasak silang lahat mula sa mundo. Tanging si Noe at ang kanyang mga kasama sa arka ang natira.
Exodus 14:17Tandaan mo na patitigasin ko ang puso ng mga taga-Ehipto para sila ay tugisin. Makakakuha ako ng parangal dahil kay Paraon at sa lahat ng kaniyang hukbo, mga karwahe at ang kaniyang mga nangangabayo.
Deuteronomy 32:39Tingnan ninyo ngayon ako, kahit ako, ang Diyos, at walang nang diyos maliban sa akin; ako'y pumapatay, at ako'y bumubuhay; ako'y sumusugat, at ako'y nagpapagaling, at walang ni isa na makakapagligtas sa inyo mula sa aking lakas.