Numbers 13:33
Nakita namin doon ang mga higante, mga kaapu-apuhan ni Anak, mga taong nagmula sa mga higante. Para kaming mga tipaklong sa aming paningin kung ihambing sa kanila, at maaaring ganoon din kami sa kanilang paningin.”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 13:22Umakyat sila mula sa Negev at dumating sa Hebron. Naroon ang mga Ahiman, Sesai, at Talmai, mga angkan na nagmula kay Anak. Ngayon, ang Hebron ay itinayo, pitong taon na bago ang Zoan sa Ehipto.
Deuteronomy 2:10(Ang Emim ang dating nanirahan doon, isang lahing kasindakila gaya ng karamihan, at kasintaas gaya ng Anakim;
Deuteronomy 9:2isang malalakas na mga tao at matatangkad, ang mga anak na lalaki ng Anakim, na kilala ninyo, at siyang narinig ninyong sinabi ng mga tao, 'Sino ang makakapanindigan sa harapan ng mga anak na lalaki ni Anak?'
1 Samuel 17:24At narinig ni David ang mga ito. Nang makita ng lahat ng kalalakihan ng Israel ang lalaki, tumakas sila mula sa kanya at takot na takot sila.
2 Samuel 21:20Nangyari sa isa pang labanan sa Gat na mayroong isang tao na napakataas na mayroong anim na daliri sa bawat kamay at anim na daliri sa bawat paa, dalawampu't-apat sa bilang. Siya rin ay naggaling sa Refaim.
Isaiah 40:22Siya ang nakaupo sa itaas ng kapatagan ng lupa; at ang mga naniniraha'y tulad ng tipaklong sa harap niya. Kaniyang nilatag ang kalangitan tulad ng isang kurtina at inuunat ito tulad ng isang tolda para matirhan.