Habakuk 3:18
Gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon, Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan.
Philippine Bible Society (1905)
In The King James Version
Yet I will rejoice in the LORD, I will joy in the God of my salvation.
In Context
Cross References
Deuteronomy 12:18Kundi iyong kakanin sa harap ng Panginoon mong Dios sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios, kakanin mo, at ng iyong anak na lalake at babae, at ng iyong aliping lalake at babae, at ng Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan: at kagagalakan mo sa harap ng Panginoon mong Dios, ang lahat ng kalagyan ng iyong kamay.
2 Samuel 6:15Sa gayo'y iniahon ni David at ng buong sangbahayan ng Israel ang kaban ng Panginoon, na may hiyawan, at may tunog ng pakakak.
Psalms 25:5Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan, at ituro mo sa akin; sapagka't ikaw ay Dios ng aking kaligtasan; sa iyo'y naghihintay ako buong araw.
Psalms 33:1Mangagalak kayo sa Panginoon, Oh kayong mga matuwid: pagpuri ay maganda sa ganang matuwid.
Psalms 85:6Hindi mo ba kami bubuhayin uli: upang ang iyong bayan ay magalak sa iyo?
Psalms 104:34Matamisin nawa niya ang aking pagbubulay: ako'y magagalak sa Panginoon.