Haggai 2:4
Ngayon, magpakatatag ka, Zerubabel!' -ito ang pahayag ni Yahweh- at magpakatatag ka, punong paring Josue anak ni Josadac; at magpakatatag kayong lahat na mga tao sa lupain!'—ito ang pahayag ni Yahweh— 'at gumawa kayo sapagkat kasama ninyo ako! —ito ang pahayag ni Yahweh ng mga hukbo.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Deuteronomy 31:23Binigyan ni Yahweh ng utos si Josue na anak ni Nun, at sinabi, “Magpakatatag at Magpakatapang; sapagkat dadalhin mo ang bayan ng Israel papasok sa lupain na ipinangako ko sa kanila, at ako ay sasainyo.”
Joshua 1:9Hindi ba iniutos ko sa iyo? Maging malakas at matapang! Huwag matakot. Huwag matakot. Kasama mo si Yahweh na iyong Diyos saan ka man pupunta.”
1 Samuel 16:18Pagkatapos isa sa mga binata ang sumagot, at sinabi, “Nakita ko ang anak na lalaki ni Jesse na taga-Bethlehem, na bihasa sa panunugtog, isang malakas, matapang na lalaki, isang lalaking mandirigma, matalino sa pananalita, isang makisig na lalaki; at kasama niya si Yahweh.”
1 Chronicles 22:13At magtatagumpay ka, kung maingat mong susundin ang mga tuntunin at mga kautusan na ibinigay ni Yahweh kay Moises para sa Israel. Maging matatag ka at lakasan mo ang iyong loob. Huwag kang matakot o panghinaan ng loob.
Haggai 1:13At si Hagai, na mensahero ni Yahweh, ang nagsalita ng mensahe ni Yahweh sa mga tao at sinabi, “'Ako ay kasama ninyo!' —ito ang pahayag ni Yahweh!”
Mark 16:20Humayo ang mga alagad at nangaral sa lahat ng dako, habang ang Panginoon ay kumikilos kasama nila at pinatunayan ang salita sa pamamagitan ng mga sumunod pang mga kahanga-hangang palatandaan.