Haggai 2:3
'Sino ang nananatili sa inyo na nakakita sa dating kaluwalhatian ng tahanang ito? At paano ninyo ito nakikita ngayon? Parang wala lang ba ito sa inyong paningin?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
1 Chronicles 22:5Sinabi ni David, “Ang aking anak na si Solomon ay bata at wala pang karanasan, at ang tahanan na itatayo para kay Yahweh ay dapat na bukod-tanging kahanga-hanga, nang sa gayon ito ay maging tanyag at maluwalhati sa lahat ng ibang lupain. Kaya maghahanda ako para sa pagtatayo nito.” Kaya gumawa si David ng malawakang paghahanda bago ang kaniyang kamatayan.
Ezra 3:12Ngunit marami sa mga pari, mga Levita, mga punong ama ng lipi, at matatandang mga taong nakakita sa unang tahanan ang tumangis ng malakas nang mailagay ang mga pundasyon ng tahanang ito sa harap ng kanilang mga mata. Ngunit marami ang sumisigaw sa tuwa na may galak at isang nasasabik na tunog.
Ezekiel 7:20Kumuha sila ng palamuting hiyas sa kanilang pagmamataas at gumawa sila ng diyus-diyosang imahen na naglalarawan ng kanilang pagkasuklam—ang kanilang kamuhi-muhing mga kilos na kanilang ginawa ay kasama nila, kaya, ginagawa kong marumi ang mga bagay na ito sa kanila.
Zechariah 4:9“Ang mga kamay ni Zerubabel ang naglatag sa pundasyon ng tahanang ito at ang kaniyang mga kamay ang tatapos nito. At malalaman mo na si Yahweh ng mga hukbo ang nagsugo sa akin sa iyo.
Luke 21:5Habang pinag-uusapan ng ilan ang templo, kung paano ito pinalamutihan ng magagandang bato at mga handog, kaniyang sinabi,