Mga Hebreo 1:14
Hindi ba't ang lahat ng mga anghel ay espiritu na ipinadala upang maglingkod at pangalagaan ang mga taong magmamana ng kaligtasan?”
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 32:1Humayo na rin si Jacob, at sinalubong siya ng mga anghel ng Diyos.
1 Kings 22:19Pagkatapos sinabi ni Micaya, “Gayuman pakinggan ang salita ni Yahweh: Nakita ko si Yahweh na nakaupo sa kaniyang trono, at lahat ng hukbo sa langit ay nakatayo sa tabi niya sa kaniyang kanang kamay at sa kaniyang kaliwa.
Psalms 34:7Ang anghel ni Yahweh ay nagkakampo sa paligid ng may mga takot sa kaniya, at sila ay nililigtas niya.
Psalms 103:20Bigyang papuri si Yahweh kayong mga anghel na napakalakas at sumusunod sa kanyang salita, na masunurin sa kanyang mga kautusan.
Isaiah 6:2Nasa taas niya ang mga serapin, bawat isa ay mayroong anim na pakpak, dalawa ang nakatakip sa kaniyang mukha, at dalawa ang nakatakip sa kaniyang mga paa, at ang dalawa ay ginagamit niya sa paglipad.
Daniel 6:22Nagsugo ang aking Diyos ng kaniyang mensahero at tinikom ang mga bibig ng mga leon at hindi nila ako sinaktan. Sapagkat nalaman nilang wala akong sala sa harapan niya at gayundin sa harapan mo, hari at hindi kita ginawan ng anumang kasamaan.”