Isaiah 6:2
Nasa taas niya ang mga serapin, bawat isa ay mayroong anim na pakpak, dalawa ang nakatakip sa kaniyang mukha, at dalawa ang nakatakip sa kaniyang mga paa, at ang dalawa ay ginagamit niya sa paglipad.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 3:6Dagdag pa niya, “Ako ang Diyos ng iyong ama, ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Jacob.” Pagkatapos tinakpan ni Moises ang kaniyang mukha, dahil takot siyang tumingin sa Diyos.
Exodus 37:9Binuka ng kerubim ang kanilang mga pakpak pataas at nagbibigay lilim sa takip ng luklukan ng awa kasama nila. Nakaharap ang kerubim sa bawat isa at nakatingin patungo sa gitna ng takip ng luklukan ng awa.
1 Kings 6:27Inilagay ni Solomon ang mga kerubin sa pinakaloob na silid. Ang mga pakpak ng mga kerubin ay iniunat para ang pakpak ng isa ay madikit sa isang pader, at ang pakpak ng isa pang kerubin ay madikit sa isa pang pader. Ang kanilang mga pakpak ay nakadikit sa isa't isa sa gitna ng kabanal-banalang lugar.
1 Kings 19:13Nang marinig ni Elias ang boses, binalot niya ang kaniyang mukha ng kaniyang balabal, lumabas, at tumayo sa pasukan ng kuweba. Pagkatapos isang boses ang dumating sa kaniya na nagsabing, “Ano ang ginagawa mo dito Elias?”
Nehemiah 9:6Ikaw si Yahweh. Ikaw lamang. Ginawa mo ang langit, ang pinakamataas na kalangitan, kasama ng lahat ng kanilang mga anghel na nakahanda para sa digmaan, at ang lupa at lahat nang naroon, at ang mga dagat at lahat ng nasa kanila. Nagbigay ka ng buhay sa kanilang lahat, at ang hukbo ng mga anghel ng langit ay sumasamba sa iyo.
Job 4:18Tingnan mo, kung hindi pinagkakatiwalaan ng Diyos ang kaniyang mga lingkod, at pinaparatangan ang kaniyang mga anghel nang kahangalan,