Mga Hebreo 11:17
Sa pamamagitan ito ng pananampalataya na si Abraham pagkatapos subuking ialay si Isaac. Oo siya na masayang tumanggap ng mga pangako ay inialay ang kaniyang nag-iisang anak,
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
18tungkol sa kaniya ang sinabi, “Magmumula kay Isaac ang iyong mga salinlahi.”
Cross References
Genesis 22:16at sinabing—ito ay isang kapahayagan mula kay Yahweh, “Nangangako ako sa aking sarili na dahil ginawa mo ang bagay na ito, at dahil hindi mo ipinagkait ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak,
2 Chronicles 32:31Gayun pa man, tungkol sa mga sugo ng mga prinsipe ng Babilonia na pinapunta sa kaniya upang magtanong tungkol sa mga kamangha-manghang nangyari sa lupain, hinayaan siya ng Diyos, upang subukin siya, at upang alamin ang lahat ng nasa kaniyang puso.
Job 2:3Nagtanong muli si Yahweh kay Satanas, “Ano naman ang masasabi mo sa lingkod kong si Job? Sapagkat wala siyang katulad sa mundong ito, walang maipipintas at tapat na tao, may takot sa Diyos at tumatalikod sa lahat ng kasamaan. Nananatili pa rin siya sa kaniyang integridad kahit na pinilit mo akong gumawa ng laban sa kaniya, para sirain siya nang walang dahilan.”
Daniel 11:35Ang ilan sa mga matatalino ay matitisod upang maging dalisay, malinis at malinang hanggang sa panahon ng katapusan. Sapagkat ang nakatakdang panahon ay paparating pa lamang.
Malachi 3:2Ngunit sino ang makapagtitiis sa araw ng kaniyang pagdating? At sino ang tatayo kapag nagpakita siya? Sapagkat siya ay katulad ng apoy nang tagapaglinang at katulad ng sabong panlaba.
2 Corinthians 8:12Sapagkat kung kayo ay may pagsisikap na gawin ang gawaing ito, ito ay mabuti at katanggap-tanggap. Nakabatay ito sa kung ano ang mayroon ang isang tao, hindi sa kung ano ang wala sa kaniya.