Mga Hebreo 11:25
Sa halip, pinili niyang makibahagi sa paghihirap ng mga tao ng Diyos kaysa sa magpakasaya sa panandaliang aliw ng kasalanan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Job 21:11Pinapalaya nila ang kanilang mga anak na parang mga kawan, at sumasayaw ang mga ito.
Psalms 47:9Ang mga prinsipe ng mga tao ay nagtipon-tipon kasama ang bayan ng Diyos ni Abraham; dahil ang mga pananggalang ng mundo ay pag-aari ng Diyos; siya ay pinarangalan ng lubos.
Psalms 84:10Dahil ang isang araw sa iyong patyo ay mas mabuti kaysa isang libo sa ibang dako. Mas nanaisin kong maging bantay sa pinto ng tahanan ng aking Diyos, kaysa mabuhay sa tolda ng mga masasama.
Isaiah 47:8Kaya ngayon pakinggan mo ito, ikaw na mahilig sa kasiyahan at nauupo nang may kasiguraduhan, ikaw na sinasabi sa iyong puso, “Nabubuhay ako, at wala akong katulad; hindi ako mauupo bilang isang balo kailanman, maging ang maranasan ang mawalan ng mga anak.”
Matthew 13:21Gayunman wala siyang mga ugat at tumatagal lamang ng panandalian. At kung ang kapighatian at pag-uusig ay dumating dahil sa salita, siya ay agad nadadapa.
Luke 16:25Ngunit sinabi ni Abraham, 'Anak, alalahanin mo na sa buong buhay mo, natanggap mo ang mga magagandang bagay, at si Lazaro sa ganoon ding paraan ay masasamang bagay. Ngunit ngayon, siya ay inaaliw dito, at ikaw ay nagdurusa.