Mga Hebreo 12:23
Kayo ay lumalapit sa kapulungan ng mga unang ipinanganak na inilista sa langit, sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng katuwiran na naging ganap.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 18:25Malayong gawin mo ang mga bagay na ito, na patayin ang mga matuwid kasama ang makasalanan, at ituring ang mga matuwid gaya ng mga makasalanan. Malayong gawin mo ito! Hindi ba gagawin ng Hukom ng buong mundo kung ano ang makatarungan?”
Exodus 13:2“Ilaan sa akin ang lahat ng mga panganay, ang bawat panganay na lalaki ng mga Israelita, kapwa mula sa mga tao at sa mga hayop. Pagmamay-ari ko ang mga panganay.”
Deuteronomy 21:17Sa halip, dapat niyang kilalanin ang panganay, ang anak na lalaki ng asawang kinasusuklaman, sa pamamagitan ng pagbibigay sa kaniya ng dobleng bahagi ng lahat ng kaniyang pag-aari; dahil ang anak na lalaking iyon ang simula ng kaniyang lakas; ang karapat ng unang anak ay pag aari niya.
Psalms 69:28Hayaan mo silang mabura sa aklat ng buhay at hindi maisulat kasama ng mga matutuwid.
Psalms 89:27Gagawin ko rin siyang panganay kong anak na lalaki, ang pinaka-tinatanghal sa mga hari ng lupa.
Psalms 96:13sa harapan ni Yahweh, dahil siya ay darating. Siya ay darating para hatulan ang daigdig batay sa katuwiran at ang mga tao batay sa kanyang katapatan.