Hebrews 12:22
Sa halip, kayo ay lumapit sa Bundok ng Zion at sa lungsod ng Diyos na buhay, ang makalangit na Jerusalem, at sa hindi mabilang na hukbo ng mga anghel na nagdiriwang.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
21Kaya nakakatakot ang tanawin na sinabi ni Moises,” Ako ay sobrang nasindak na ako ay nanginginig.
Cross References
Deuteronomy 33:2Sinabi niya: Mula si Yahweh sa Sinai at nagpakita sa kanila mula Seir. Nagliwanag siya mula sa Bundok ng Paran, at dumating siya kasama ang sampung libong mga banal na pinili. Sa kaniyang kanang kamay ay mayroong kumikislap na kidlat.
2 Kings 19:4Maaaring pakikinggan ni Yahweh ang inyong Diyos ang lahat ng mga sinabi ng punong tagapag-utos, na pinadala ng hari ng Asiria na kaniyang panginoon para labanan ang buhay na Diyos, at sasawayin ang mga salitang narinig ni Yahweh na inyong Diyos. Ngayon ay itaas ninyo ang inyong mga panalangin para sa mga nalalabing naririto pa.”
Psalms 42:2Nauuhaw ako para sa Diyos, para sa Diyos na buhay; kailan kaya ako makapupunta at makahaharap sa Diyos?
Psalms 68:17Dalawampung-libo ang karwahe ng Diyos, libo-libo; kasama nila ang Panginoon sa banal na lugar, gaya ng sa Sinai.
Psalms 87:3Mga maluwalhating bagay ay sinabi sa iyo, lungsod ng Diyos. Selah
Isaiah 12:6Umiyak nang malakas at sumigaw sa tuwa, kayong mga naninirahan sa Sion, dahil nasa inyong kalagitnaan ang Banal na Diyos ng Israel.”