Hebrews 13:16
At huwag ninyong kalilimutang gumawa ng mabuti at tumulong sa bawat isa, sapagkat sa ganitong handog lubos na nalulugod ang Diyos.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
But to do good and to communicate forget not: for with such sacrifices God is well pleased.
In Context
Cross References
Psalms 51:19Kung magkagayon ay malulugod ka sa mga alay ng katuwiran, sa sinunog na mga handog at lubusang sinunog na mga handog; pagkatapos, ang aming bayan ay maghahandog ng mga toro sa iyong altar.
Matthew 25:35Sapagkat ako ay nagutom at binigyan ninyo ako ng pagkain; ako ay nauhaw at binigyan ninyo ako ng inumin; ako ay dayuhan at pinatuloy ninyo ako;
Luke 18:22Nang marinig iyon ni Jesus, sinabi niya sa kaniya, “Isang bagay pa ang kulang sa iyo. Dapat mong ipagbili ang lahat ng mayroon ka at ipamahagi mo ito sa mga mahihirap, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit—at halika, sumunod ka sa akin.”
Acts 10:38ang mga kaganapan na ukol kay Jesus ng Nazaret, kung paano siya pinuspus ng Diyos ng Banal na Espiritu at ng kapangyarihan. Naglibot siya na gumagawa ng kabutihan at nagpapagaling ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos.
2 Corinthians 9:12Sapagkat ang pangangasiwa sa gawaing ito ay hindi lang makakatugon sa mga pangangailangan ng mga mananampalataya. Ito rin ay nagpaparami sa maraming gawaing ng pasasalamat sa Diyos.
Galatians 6:10Kaya nga, kung magroon tayong pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti sa bawat isa. Magsigawa tayo ng mabuti lalo na sa mga nasa sambahayan ng pananampalataya.