The Bible Software
bible.softwareHebrewsHebrews 2 › Hebrews 2:17

Hebrews 2:17

Kaya kinakailangan niyang maging katulad ng kaniyang mga kapatid sa lahat ng paraan, upang siya ay maging maawain at tapat na pinakapunong pari sa mga bagay para sa Diyos, at upang maaari niyang makamit ang kapatawaran para sa kasalanan ng mga tao.

Ang Biblia (Tagalog)

In The King James Version

Wherefore in all things it behoved him to be made like unto his brethren, that he might be a merciful and faithful high priest in things pertaining to God, to make reconciliation for the sins of the people.

In Context

16Sapagkat tunay nga na hindi ang mga anghel ang tinutulungan niya. Sa halip, tinutulungan niya ang mga kaapu-apuhan ni Abraham.

18Dahil si Jesus mismo ay naghirap, noong siya ay tinukso, kaya niyang tulungan ang mga natukso.

Read all of Hebrews 2

Cross References

Leviticus 6:30At walang handog para sa kasalanan ang dapat kainin mula sa kung saan anumang dugo ay dinala sa loob ng tolda ng pagpupulong para makagawa sa ikapapatawad ng kasalanan sa banal na lugar. Dapat itong sunugin.

2 Chronicles 29:24Pinatay ng mga pari ang mga ito, at ginawa nila ang handog para sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga ito sa altar, upang maging kabayaran sa mga kasalanan para sa buong Israel sapagkat iniutos ng hari na ang alay na susunugin at handog para sa kasalanan ay dapat gawin para sa buong Israel.

Ezekiel 45:15Gagamitin para sa anumang handog na susunugin o handog pangkapayapaan bilang kabayaran para sa mga tao ang isang tupa o kambing mula sa kawan sa bawat dalawang daang hayop mula sa matubig na mga rehiyon ng Israel—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.

Ezekiel 45:20Gagawin ninyo ito sa ikapito ng buwan para sa bawat taong nagkasala ng hindi sinasadya o dahil sa kamangmangan; sa paraang ito, malilinis ninyo ang templo.

Romans 5:10Sapagkat kung, noong tayo ay mga kaaway, ipinagkasundo tayo sa Diyos sa pamamagitan ng kamatayan ng kaniyang Anak, higit pa ngayon na pagkatapos tayong ipinagkasundo, maililigtas tayo sa pamamagitan ng kaniyang buhay.

2 Corinthians 5:18Ang lahat ng mga bagay na ito ay nagmula sa Diyos. Nakipagkasundo siya sa atin dahil kay Cristo, at binigyan niya tayo ng ministeryo sa pagkakasundo.

This Verse In Other Editions

King James VersionBíblia Almeida (Português)Luther Bibel (Deutsch)Bible Louis Segond (Français)Библия (Русский)聖經 (中文)성경 (한국어)聖書 (日本語)الكتاب المقدس (العربية)बाइबल (हिन्दी)Biblia (Kiswahili)Bibbia Diodati (Italiano)Alkitab (Bahasa Indonesia)

Study Hebrews 2:17

Matthew HenryJamieson-Fausset-BrownAdam ClarkeAlbert BarnesJohn WesleyJohn CalvinScofieldWilliam BurkittFamily Bible NotesGeneva Bible Notes (1599)
← Hebrews 2:16Hebrews 2Hebrews 2:18 →