Hebrews 5:7
Sa panahon ng kaniyang laman, nag-alay siya ng mga panalangin at mga kahilingan, nakikiusap ng may pagluha sa Diyos, na may kakayahang makapagliligtas sa kaniya mula sa kamatayan. Dahil sa kaniyang paggalang sa Diyos, siya ay pinakinggan.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
8Bagama't siya ay anak, natutunan niya ang pagsunod mula sa mga bagay na kaniyang tiniis.
Cross References
Leviticus 2:2Dadalhin niya ang handog sa mga anak na lalaki ni Aaron ang mga pari, at doon kukuha ang pari ng isang dakot ng pinong harina kasama ang langis at ang insensong naroon. Pagkatapos susunugin ng pari ang handog sa altar para alalahaning may pagpapasalamat ang tungkol sa kabutihan ni Yahweh. Magbibigay ito ng mabangong halimuyak para kay Yahweh; magiging isang handog ito na ginawa sa kanya sa pamamagitan ng apoy.
Psalms 18:19Pinalaya niya ako tungo sa isang malawak na lugar; iniligtas niya ako dahil siya ay nalulugod sa akin.
Psalms 22:24Dahil hindi niya hinamak o pinabayaan ang pagdurusa ng naghihirap; hindi tinago ni Yahweh ang kaniyang mukha mula sa kaniya; nang umiyak ang naghihirap sa kaniya, dininig niya.
Psalms 69:1Iligtas mo ako, O Diyos, dahil nilagay ng katubigan ang buhay ko sa panganib.
Psalms 88:1Yahweh, Diyos ng aking kaligtasan, araw at gabi akong umiiyak sa iyo.
Isaiah 53:3Siya ay hinamak at itinakwil ng mga tao; isang taong maraming kalungkutan, at siyang pamilyar sa sakit. Kagaya ng isang pinagtataguan ng mga tao ng kanilang mga mukha, siya ay hinamak; Itinuring namin siyang hindi mahalaga.