Numbers 23:19
Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 14:35Akong, si Yahweh, ang nagsalita. Tiyak na gagawin ko ito sa buong masamang sambayanang ito na nagtipun-tipon laban sa akin. Mauubos sila sa ilang na ito. Dito sila mamamatay.'”
1 Samuel 3:12Sa araw na iyon tutuparin ko ang lahat ng bagay na aking sinabi kay Eli tungkol sa kanyang bahay, mula simula hanggang sa katapusan.
1 Kings 14:11Sinuman na kabilang sa iyong pamilya na namatay sa lungsod ay kakainin ng mga aso, at sinumang mga namatay sa bukid ay kakainin ng mga ibon ng mga kalangitan, dahil ako, si Yahweh, ang nagsabi nito.
2 Kings 15:12Ito ang mga salita ni Yahweh na sinabi niya kay Jehu, sinasabing, ''Ang iyong kaapu-apuhan ay mauupo sa trono ng Israel hanggang sa ika-apat na salin lahi.'' At kaya ito ang naganap.
Psalms 77:9Habangbuhay na bang bigo ang kaniyang pangako? Nakalimutan na ba ng Diyos na maging mapagbigay-loob? Napigil na ba ng galit ang kaniyang habag? Selah
Psalms 132:11Nangako si Yahweh na magiging matapat kay David; hindi siya tatalikod mula sa kaniyang pangako: “Ilalagay ko ang isa sa iyong mga kaapu-apuhan sa iyong trono.