Hebrews 7:2
Binigyan siya ni Abraham ng ikamsampung bahagi ng lahat ng kaniyang nasamsam. Ang pangalan na ''Melquisedec” ay nangangahulugang ''hari ng katuwiran'' at ''hari ng Salem'' ito ay ''hari ng kapayapaan.''
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 28:22Pagkatapos ang batong ito na itinayo ko bilang isang haligi ay magiging banal na bato. Mula sa lahat ng ibinigay mo sa akin, tiyak na ibabalik ko sa iyo ang ikasampung bahagi.”
Numbers 18:21Sa mga kaapu-apuhan ni Levi, tingnan mo, ibinigay ko ang lahat ng mga ikapu bilang kanilang mana kapalit ng kanilang paninilbihan na kanilang ibinibigay sa pagtatrabaho sa tolda ng pagpupulong.
1 Samuel 8:17Kukunin niya ang ikasampu ng inyong mga kawan at magiging mga alipin niya kayo.
2 Samuel 23:3Sinabi ng Diyos ng Israel, sinabi ng Bato ng Israel sa akin, 'Ang isang namumuno nang makatarungan sa mga tao, namumuno ng may takot sa Diyos.
1 Chronicles 22:9Gayunpaman, magkakaroon ka ng isang anak na lalaki na magiging payapang tao. Bibigyan ko siya ng kapahingahan mula sa lahat ng kaniyang kaaway sa bawat panig. Sapagkat Solomon ang kaniyang magiging pangalan, at bibigyan ko ng kapayapaan at katahimikan ang Israel sa kaniyang mga araw.
Psalms 72:1Ibigay mo sa hari ang iyong mga matuwid na mga tuntunin, O Diyos, ang iyong katuwiran sa anak na lalaki ng hari.