Numbers 18:21
Sa mga kaapu-apuhan ni Levi, tingnan mo, ibinigay ko ang lahat ng mga ikapu bilang kanilang mana kapalit ng kanilang paninilbihan na kanilang ibinibigay sa pagtatrabaho sa tolda ng pagpupulong.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 47:24Sa anihan, magbigay kayo ng ikalimang bahagi sa Paraon, at ang apat na bahagi ay para sa inyong sarili, para sa binhi ng lupain at para pagkain ng inyong sambahayan at inyong mga anak.”
Leviticus 27:30Lahat ng ikapu ng lupain, maging tumubong butil sa lupa o bunga mula sa mga puno, ay kay Yahweh. Banal ito kay Yahweh.
Numbers 3:6“Dalhin mo ang tribu ni Levi at iharap sila kay Aaron na pari para matulungan nila siya.
Numbers 18:6Tingnan ninyo, ako mismo ang pumili sa inyong kapwa miyembro ng mga Levita mula sa mga kaapu-apuhan ng Israel. Sila ay isang regalo sa inyo, ibinigay sa akin para gawin ang gawaing may kaugnayan para sa tolda ng pagpupulong.
Deuteronomy 12:17Hindi kayo maaaring kumain sa loob ng inyong mga tarangkahan mula sa ikapu ng inyong butil, ang inyong bagong alak, inyong langis, o ang panganay ng inyong hayop o kawan; at hindi kayo maaaring kumain ng anuman sa laman na inyong inialay kasama ng anumang mga panata na inyong ginawa, ni hindi ang inyong kusang-loob na mga handog, o ang mga handog na inihandog ng inyong kamay.
2 Chronicles 31:5Nang mailabas ang kautusan, nagbigay agad ng masagana ang mga Israelita ng unang bunga ng butil, bagong alak, langis, pulot, at lahat ng mula sa kanilang inani sa mga bukirin; at masagana rin nilang dinala ang ikasampung bahagi ng lahat ng bagay.