Hebrews 9:14
gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay ang kaniyang sarili na walang dungis sa Diyos, na luminis sa ating budhi mula sa mga gawang patay upang makapaglingkod sa Diyos na buhay?
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Numbers 19:2“Ito ay isang batas, isang batas na aking iniuutos sa inyo: Sabihin ninyo sa mga tao ng Israel na dapat nilang dalhin sa iyo ang isang pulang dumalagang baka na walang depekto o kapintasan, at hindi pa nakapagpasan ng pamatok.
Numbers 28:9Sa Araw ng Pamamahinga dapat ninyong ihandog ang dalawang lalaking tupa, bawat isang taong gulang na walang kapintasan, at dalawa sa ikasampu ng isang epa ng pinong harina bilang isang handog na pagkaing butil, na hinaluan ng langis, at ang inuming handog kasama nito.
Deuteronomy 5:26Sino pa bang tao maliban sa atin ang nakarinig sa boses ng Diyos na buhay na nagsasalita sa gitna ng apoy at nabuhay, katulad sa ginawa namin?
Deuteronomy 17:1Hindi kayong dapat maghandog kay Yahweh na inyong Diyos ng isang baka o tupa na may kapintasan o kapansanan dahil kasuklam-suklam iyon sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos.
Deuteronomy 33:27Ang walang hanggang Diyos ay isang kublihan para sa kaniyang mga tao, at sa ilalim ay ang walang hanggang mga braso. Itutulak niya palabas ang kaaway mula sa harapan ninyo, at sasabihin niya, “Wasakin!”
2 Samuel 4:11Gaano pa kaya, kapag pinatay ng mga masasamang lalaki ang isang taong walang kasalanan sa kaniyang sariling bahay sa kaniyang higaan, hindi ko ba dapat hingin ang kaniyang dugo ngayon mula sa inyong kamay, at aalisin kayo sa mundo?”