Numbers 28:9
Sa Araw ng Pamamahinga dapat ninyong ihandog ang dalawang lalaking tupa, bawat isang taong gulang na walang kapintasan, at dalawa sa ikasampu ng isang epa ng pinong harina bilang isang handog na pagkaing butil, na hinaluan ng langis, at ang inuming handog kasama nito.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Exodus 20:8Alalahanin ninyo ang Araw ng Pamamahinga, ihandog ninyo ito sa akin.
2 Chronicles 2:3Nagpadala ng mensahe si Solomon kay Hiram, ang hari ng Tiro, na nagsasabi, “Tulad ng ginawa mo sa aking amang si David na pinadalhan mo ng sedar na mga troso upang magpatayo ng tahanan na matitirahan, gawin mo rin iyon sa akin.
Isaiah 58:13Ipagpalagay ninyo na tumalikod kayo mula sa paglalakbay sa Araw ng Pamamahinga, at mula sa ginagawa ninyong sariling kasiyahan sa aking banal na araw. Ipagpalagay ninyo na ang Pamamahinga ay tinatawag ninyong isang kasiyahan, at tinatawag ninyo na banal at pinarangalan ang mga bagay ni Yahweh. Ipagpalagay ninyo na pinararangalan ninyo ang Araw ng Pamamahinga sa pamamagitan ng pag-iwan ng inyong sariling negosyo, at sa pamamagitan ng hindi paghahanap ng sarili ninyong kasiyahan at sa pamamagitan ng hindi pagsasalita ng sarili ninyong mga salita.
Revelation 1:10Ako ay nasa Espiritu sa araw ng Panginoon. Narinig ko ang isang malakas tulad ng isang trumpeta sa aking likuran.