Hebrews 9:28
gayon din si Cristo, na minsang naihandog upang alisin ang mga kasalanan ng marami, darating siya sa pangalawang pagkakataon, hindi upang ihandog muli sa kasalanan, kundi para sa kaligtasan ng mga matiyagang naghihintay sa kaniya.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
27Tulad ng bawat tao ay itinakda na mamatay minsan, at pagkatapos ay ang paghatol,
Cross References
Leviticus 10:17“Bakit hindi ninyo kinain ang handog para sa kasalanan sa lugar ng tabernakulo, yamang ito ang pinakabanal, at ibinigay ito ni Yahweh para maalis ang kasalanan ng buong kapulungan, na maging kabayaran para sa kanilang kasalanan sa kaniyang harapan?
Numbers 18:23Dapat gawin ng mga Levita ang mga gawain na may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong. Sila ang may pananagutan para sa anumang kasalanan tungkol dito. Ito ang magiging isang palagiang batas sa lahat ng salinlahi ng iyong mga tao. At hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel.
Isaiah 53:4Pero tiyak na pinasan niya ang ating mga karamdaman at dinala ang ating mga kalungkutan; gayon man ay inakala natin na pinarusahan siya ng Diyos, pinalo siya ng Diyos, at pinahirapan.
Zechariah 14:5At kayo ay magsisitakas pababa sa lambak sa pagitan ng mga kabundukan ni Yahweh, sapagkat ang lambak sa pagitan ng mga bundok na iyon ay aabot hanggang sa Azal. Tatakas kayo gaya ng pagtakas ninyo mula sa lindol sa panahon ni Uzias, hari ng Juda. Pagkatapos, darating si Yahweh na aking Diyos, at kasama niya ang lahat ng mga banal.
John 14:3Kung aalis ako at maghanda ng matititrahan ninyo, ako ay muling babalik at tatanggapin kayo sa aking sarili, upang kung saan man ako, kayo ay naroon din.
Romans 5:15Ngunit gayunpaman, ang kaloob na walang bayad ay hindi gaya ng pagkakasala. Sapagkat kung sa pamamagitan ng pagkakasala ng isa ay namatay ang marami, mas higit pa na sumagana para sa marami ang biyaya ng Diyos at ang kaloob sa pamamagitan ng biyaya ng isang tao na si Jesu-Cristo.