Hebrews 9:7
Ngunit ang pinaka-punong pari ay pumapasok na nag-iisa sa pangalawang silid minsan sa isang taon, at may dalang maihahandog na dugo para sa kaniyang sarili at para sa hindi sinasadyang mga paglabag ng mga tao.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Leviticus 5:18Dapat niyang dalhin ang isang lalaking tupa na walang kapintasan mula sa kawan, katumbas ng kasalukuyang halaga, bilang isang handog na pambayad sa kasalanan sa pari. Pagkatapos gagawa ang pari ng pambayad sa kasalanan para sa kanya ukol sa kanyang nagawang kasalanan, na kung saan hindi niya alam, at siya ay papatawarin.
Leviticus 16:34Ito ay palaging magiging isang tuntunin para sa inyo, para gawing pambayad kasalanan para sa mga tao ng Israel ng dahil sa lahat ng kanilang mga kasalanan, isang beses sa bawat taon.” At ginawa ito gaya ng utos ni Yahweh kay Moises.
2 Chronicles 33:9Pinamunuan ni Manases ang mga taga-Judah at ang mga nakatira sa Jerusalem na gumawa ng masasama ng higit pa sa ginawa ng mga bansang pinuksa ni Yahweh bago dumating ang mga mamamayan ng Israel.
Psalms 95:10Sa apatnapung taon ako ay galit sa salinlahi na iyon at sinabi, 'Ito ang mga tao na ang mga puso ay lumihis ng landas; hindi nila alam ang aking mga pamamaraan.'
Isaiah 9:16Inililigaw sila ng mga taong nangunguna sa kanila, at ang mga sumunod ay nilamon.
Isaiah 29:14Kaya nga, tingnan ninyo, magpapatuloy akong gumawa ng kamangha-manghang bagay sa mga taong ito, kababalaghan kasunod ng isa pang kababalaghan. Ang karunungan ng kanilang matatalinong tao ay mawawala, at ang pang-unawa ng kanilang mga nakakaunawang mga tao ay maglalaho.”