Hosea 1:10
Ngunit ang bilang ng mga tao ng Israel ay magiging tulad ng buhangin sa dalampasigan, na hindi masusukat o mabibilang. Mangyayari ito kung saan sinabi sa kanila na, 'Hindi ko kayo mga tao,' sasabihin ito sa kanila, 'Kayo ay mga tao ng buhay na Diyos.'
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Genesis 13:16At gagawin kong kasindami ng alikabok sa lupa ang iyong mga kaapu-apuhan, kaya kung mabibilang ng isang tao ang alikabok ng mundo, sa gayon ay mabibilang din ang mga kaapu-apuhan mo.
Genesis 32:12Ngunit sinabi mo, “Tiyak na gagawin kitang masagana. Gagawin ko ang iyong mga kaapu-apuhan na parang buhangin ng dagat, na hindi kayang bilangin dahil sa kanilang dami.”''
Isaiah 43:6Aking sasabihin sa hilaga, 'ibalik sila;' at sa timog, 'huwag silang pigilan' Dalhin ang aking mga anak na lalaki mula sa malayo, at aking mga anak na babae mula sa malayong mga lugar ng mundo,
Isaiah 49:17Nagmamadaling bumalik ang mga anak mo, habang ang mga nagwasak sa iyo ay umaalis na.
Isaiah 60:4Pagmasdan ninyo ang buong paligid at tingnan. Tinipon nilang lahat ang kanilang mga sarili at lumalapit sa iyo. Ang inyong mga anak na lalaki ay darating mula sa malayo, at ang inyong mga anak na babae ay bubuhatin sa kanilang mga bisig.
Jeremiah 33:22Gaya ng mga hukbo ng langit na hindi mabilang, at ng mga buhangin sa dalampasigan na hindi masukat, tulad nito ang pagpaparami ko sa mga kaapu-apuhan ni David na aking lingkod at ang mga Levita na naglilingkod sa akin.”