Hosea 10:5
Matatakot ang mga naninirahan sa Samaria dahil sa mga guya ng Beth-aven. Ipinagluksa sila ng mga tao nito, gaya ng ginawa ng mga paring sumasamba sa mga diyus-diyosan na nagalak sa kanila at sa kanilang kaluwalhatian, ngunit wala na sila roon.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
Joshua 7:2Nagpadala ng mga kalalakihan si Josue mula sa Jerico sa Ai, malapit sa Beth Aven, silangan ng Bethel. Sinabi niya sa kanila, “Umakyat kayo at manmanan ang lupain.” Kaya lumakad ang mga kalalakihan at minanman ang Ai.
1 Samuel 4:21Pinangalanan niya ang bata ng Icabod, na nagsasabing, “Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel!” dahil nakuha ang kaban ng Diyos, at dahil sa kanyang biyenan at kanyang asawa.
2 Kings 10:29Pero hindi iniwan ni Jehu ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na ginawa niyang kasalanan sa Israel- iyon ay, ang pagsamba sa mga gintong guya sa Bethel at Dan.
2 Kings 23:5Inalis niya ang mga pari ng mga diyus-diyosan na pinili ng mga hari ng Juda para magsunog ng insenso sa mga dambana sa mga lungsod ng Juda at sa mga lugar sa palibot ng Jerusalem - ang mga nagsunog ng insenso para kay Baal, para sa araw at sa buwan, para sa mga planeta at sa lahat ng mga butuin ng langit.
2 Chronicles 13:8Ngayon ay sinasabi ninyo na kaya ninyong labanan ang makapangyarihang pamumuno ni Yahweh sa kamay ng mga kaapu-apuhan ni David. Kayo ay isang malaking hukbo at kasama ninyo ang mga ginintuang guya na ginawa ni Jeroboam bilang mga diyos ninyo.
Hosea 5:8Hipan ang tambuli sa Gibea, at ang trumpeta sa Rama. Patunugin ang hudyat ng pakikipaglaban sa Beth-aven: 'Susunod kami sa iyo, Benjamin!'