Hosea 10:4
Nagsalita sila ng mga salitang walang kabuluhan at gumagawa ng mga kasunduan sa pamamagitan ng pagsumpa ng hindi totoo. Kaya lumitaw ang katarungan tulad ng mga nakakalasong damo sa mga tudling ng isang bukid.
Ang Biblia (Tagalog)
In The King James Version
In Context
Cross References
2 Kings 17:3Nilusob siya ni Salmaneser hari ng Asiria, at naging lingkod niya si Hosea at nagbigay sa kaniya ng buwis.
Isaiah 5:7Dahil ang ubasan ni Yahweh ng mga hukbo ay ang tahanan ng Israel, at ang mga tao sa Juda ang kaniyang kinasisiyang pananim; naghintay siya ng katarungan, pero sa halip, nagkaroon ng patayan; naghintay siya para sa katuwiran, sa halip, umiiyak na humihingi ng tulong.
Ezekiel 17:13Pagkatapos ay kumuha siya ng maharlikang kaapu-apuhan at gumawa sila ng kasunduan, at pinanumpa siya nito. At dinala niya ang mga makapangyarihang tao sa lupain,
Hosea 6:7Tulad ni Adan, sinira nila ang kasunduan; hindi sila naging tapat sa akin.
Amos 6:12Tumatakbo ba ang mga kabayo sa mga mabatong bangin? May nag-aararo bang baka roon? Ngunit ginawa ninyong lason ang katarungan at kapaitan ang bunga ng katuwiran.
Romans 1:31Wala silang pang-unawa, hindi mapagkakatiwalaan, walang pagmamahal at walang awa.